KALIBO, Aklan-Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang binatilyo at sakristan matapos na malunod sa ilog na sakop ng Barangay Jumarap, Banga, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Justin Bryan Carbonell, 14 at residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Banga PNP, nagkayayaan na maligo sa ilog ang tatlong magkaibigan na kapwa menor de edad.

Kaugnay nito, habang naliligo ay napansin na lamang nila si Carbonell na medyo nalulunod at humihingi ng tulong.

Ngunit, kapwa hindi marunong lumangoy ang dalawa kung kaya’t wala silang nagawa upang masaklolohan ang kaibigan.

-- Advertisement --

Dito na umano napansin ng isang residente sa lugar ang insidente kaya’t kaagad na sinaklolohan ang mga bata at inahon sa tubig ang biktima.

Nangingitim na umano itong nakuha sa tubig at nakitaan ng pamamaga sa ulo at dibdib na pinaniniwalaan na tumama sa jackstone na nakabaon sa ilog ng ito ay magdive.

Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng pulisya.