Reading Time: 1 minute
Rio De Janiero
Rio De Janeiro

Nasa 11 katao ang patay sa pagkakasunog ng isang pagamutan sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ayon sa mga otoridad na galing sa electrical short circuit sa generator ng pagamutan.

Dahil sa pangyayari ay agad na inilikas palabas ang mga pasyente at hospital staff.

Umabot pa sa ilang oras bago tuluyang maapula ang sunog.

Mayroong 103 na pasyente ang naka-confine sa pagamutan na karamihan ay kanilang nailigtas.