TOM MOORE
TOM MOORE/ Twitter image

Pinarangalan ng gobyerno ng England ang 100-year old war veteran na si Tom Moore.

Ito ay matapos na makalikom ng mahigit $37-million na pantulong sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Isinagawa nito ang paglikom sa pamamagitan ng fund raising kung saan lilibutin niya ng 100 beses ang kaniyang bakuran.

Hindi inaasahan naman ng marami na ganoong kalaking pera ang malilikom ng war veteran.

Sa kaniyang pagdiriwang ng 100-birthday nitong April 30 ay nagpalipad ang ilang eroplano ng Royal Air Force at binati pa ito ni Queen Elizabeth II.