-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinoy ang nasawi dahil sa hypothermia o labis na kalamigan matapos na mag-hiking sa Japan.

Ayon sa DFA na nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad ang Philippine Consulate General sa Nagoya para magbigay ng tulong sa pamilya ng Pinoy na nasawi noong Oktubre 12.

Kabilang ang biktima sa grupo ng mga Pinoy mountaineers na nagtungo sa Mt. Oku-Hotakadak.

Dagdag pa ng DFA na sa anim na mga Filipino ay dalawa ang sumailalim sa medical na atensiyon matapos makaranas ng trauma.

Na-istranded ang mga hikers na pinoy sa pinakatuktok ng bundok kaya sila iniligtas ng mga otoridad ng Japan.