Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nadamay sa banggaan ng dalawang high-speed train sa Southern Spain na kumitil ng isang indibidwal at ikinasugat ng 37 iba pa.
Sa isang statement, inihayag ng DFA na maigting itong nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Spain at sa mga operator ng tren sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Madrid at Philippine Consulate General sa Barcelona.
Ayon sa DFA, kinumpirma ng Philippine Embassy na walang Pilipino ang natukoy na kabilang sa mga nasugatan o nasawi sa banggaan habang iniulat naman ng Konsulada na walang natanggap na impomasyong may nasugatang Pilipino sa train crash malapit sa Barcelona.
Samantala, nakahanda naman ang embahada at konsulada na tulungan ang sinumang Pilipino na posibleng naapektughan ng insidente.
Matatandaan, nangyari ang trahediya matapos madiskaril ang isang tren patungong Madrid at lumihis ng direksiyon dahilan ng pagbangga nito sa isa pang paparating na tren sa may Adamuz, malapit sa siyudad ng Cordoba noong Enero 18.















