-- Advertisements --

Walang napaulat na Pilipinong naapektuhan ng mga nagaganap na protesta sa Iran, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kabila nito, patuloy na nagpapaalala ang Embahada ng Pilipinas sa Tehran sa mga Pilipino doon na manatiling alerto at bawasan ang paggalaw o paglabas.

Ayon sa DFA, may 823 Pilipino sa Iran, karamihan ay permanent residents, kabilang dito ang mga asawa at anak ng mga Iranian citizen.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga nangangailangan ng tulong na maaaring makipag-ugnayan sa embahada.

Matatandaan lumawak ang mga protesta sa Iran dahil sa malaking pagbaba ng halaga ng pera at lumalalang krisis pang-ekonomiya sa bansa.