-- Advertisements --

Pirmado na ni House Speaker Nancy Pelosi at Senate Majority Leader Schumer ang $1.9 trillion Covid-19 relief bill.

Pinasalamatan ng dalawa ang kapwa nilang mambabatas dahil sa nasabing pagpasa ng panukalang batas.

Tiniyak nito sa mga mamamayan na paparating na ang tulong ng gobyerno.

Nakatakda namang pirmahan na ni President Biden ang panukalang batas para ito ay tuluyang maging batas na.

Lubos na pinasalamatan ni Biden sina Pelosi at Schumer.

Laman ng batas ay mabigyan ng tig-$1,400 na ayuda sa bawat mga mamamayan ng US at weekly jobless benefit payments ng $300 hanggang Setyembre.

Mayroong alokasyon na $350 bilyon sa mga state and local government, $130 bilyon para sa school opening, $49 bilyon para sa expanded COVID-19 testing and research ganun din ang $14 bilyon vaccine distribution.

Sa nasabing batas rin ay nakatakdang itaas ang minimum wage sa $15 per hour mula sa dating $7.25.