-- Advertisements --

Magpapataw ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes, Hulyo 8, ang mga kumpanya ng langis kung saan bababa sa P1 ang kada litro ng presyo nito.

Kasunod ito ng paghupa ng tensyon sa Middle East matapos ang 12-araw na giyera sa pagitan ng Isrel at Iran.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, inaasahan ang mga sumusunod na bawas sa presyo ng gasolina at diesel:

  • Gasolina: P0.70/litro
  • Kerosene: bawas P0.80/litro
  • Diesel: bawas P0.10/litro

Magugunitang ito na ang ikalawang sunod na linggo ng price rollback.

Bukod sa easing tensions, nakaapekto rin sa pagbaba ng presyo ang posibilidad ng pagtaas ng produksyon ng OPEC, na posibleng magdulot ng mas maraming suplay sa pandaigdigang merkado.

Samantala, binabantayan din ng industriya ang pagwawakas ng U.S. tariff pause sa Hulyo 9, na maaaring makaapekto sa pandaigdigang demand at presyo ng langis.