-- Advertisements --

Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa huling linggo ng taong 2025.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maglalaro ng hanggang P0.50 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang walang anumang paggalaw ang diesel at ang kerosene naman ay asahan ang pagtaas ng hanggang P0.10 sa kada litro.

Ayon kay DOE-OIMB assistant director Rodela Romero na ang sanhi ng nasabing dagdag-bawas ay dahil sa pandaigdigang oversupply ng langis mula sa non-Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) economies gaya ng US.

Malalaman sa araw ng Lunes kung magkano ang dagdag-bawas sa produkto ng langis na kadalasan ay ipinapatupad tuwing araw ng Martes.