-- Advertisements --
Magkakaroon ng halo-halong galaw sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo, ayon sa mga oil companies. Gayunman, may ilang kompanya ang tumugon sa panawagan ng pamahalaan na magpatupad ng price freeze sa mga lugar na matinding naapektuhan ng ulan at pagbaha.
Sa abiso ng Seaoil nitong Lunes, magsisimula bawas-presyo sa gasolina ng P0.10 kada litro sa Martes, Hulyo 29.
Samantala, may dagdag-presyo naman sa diesel ng P0.60 at P0.40 sa kerosene.
Ngunit nilinaw ng Seaoil na ipagpapaliban muna ang dagdag-singil sa diesel sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, partikular sa Region 1 at 2, bilang suporta sa panawagan ng Department of Energy (DOE).
Wala pang abiso ang ibang kumpanya ng langis ukol sa kanilang price adjustments.