Nasamsam ng pulisya ang ₱8.5-M halaga ng iba’t ibang iligal na droga sa isang high-class residence sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar ang naarestong drug suspect na may ari nitong si Domingo Uy.

Aabot sa 4,038 pills ay ecstasy, 350 grams naman ang high-grade cocaine at mayroon ding 103 grams ng ‘kush’ at tatlong botelya ng liquid marijuana.

Nakita pa sa lugar ang ilang US dollars at mayroong ding Hong Kong dollars, habang may mga tseke pang nakatago.

Sinasabing Disyembre pa nakatira doon ang mga suspek at kanina lang tuluyang sinalakay ng mga otoridad.