Aabot sa kabuuang 5,344 na kapulisan ang idineploy ng National Capital Region Office (NCRPC) sa buong Metro Manila bilang bahagi ng Oplan Balik-Eskwela, ayon kay NCRPO chief PMGen Anthony Aberin.
Saklaw ng deployment ang 1,206 pampubliko at pribadong paaralan sa rehiyon, para tiyakin ang seguridad ng mga mag-aaral, magulang, at guro sa pagbabalik ng klase.
Dagdag ni Aberin, ito ay alinsunod sa direktiba ni PNP chief PGen Niclos Torre III na maghatid ng mabilis at epektibong serbisyo publiko.
Kasama din sa dineploy ang 1,429 personnel sa Police Assistance Desks (PADs) malapit sa mga paaralan, suportado ng mga Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU), covert teams, at mga K9 units.
Mayroon ding 1,135 mobile patrols at 1,731 foot patrol officers na ikinalat sa limang police districts at sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) para sa 24/7 na pagbabantay.