-- Advertisements --

Maaring maharap pa sa mga iba’t-ibang kaso ang nakakulong na Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, na bukod sa three counts ng unjust vexation na inihain laban kay Zdorovetskiy ay iminungkahi ng DILG ang ilang mga serye ng kaso.

Ibinase ng DILG ang mga kaso sa ilang mga video ng vlogger kung saan makikita ang pang-haharras nito sa ilang mga tao, kabilang ang isang may edad na kasama rin ang ilang mga guwardiya.

Makikita rin aniya sa mga video nito ang pagmamaneho rin nito ng tricycle at ang tangka nitong pag-agaw ng motorsiklo.
Dagdag pa ng kalihim na iniahahanda na ng prosecution office ang nasabing mga dagdag na kaso laban sa Russian vlogger.

Magugunitang sumulat ang Russian vlogger sa DILG at nakiusap na kung maari ay iatras na nito ang kaso laban sa kaniya.