-- Advertisements --

Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng National Capital Region Police Office ang lahat ng mga pulis na pumasok sa mundo ng vlogging na tumalima pa rin sa mga panuntunan at regulasyon na ipinapatupad ng Philippine National Police.

Ito ay kasunod ng pagkaka dismiss at pagkaka-aresto sa isang police patrolman dahil sa kasong inciting to sedition.

Maaalalang naglabas ng hinaing ang pulis matapos na maaresto si FPRRD at hinimok rin ang kanyang mga kapwa pulis na mag-aklas sa gobyerno.

Sa isang panayam ay sinabi ni NCRPO Spokesperson PMaj. Hazel Asilo , mayroon na silang hawak ng listahan ng lahat ng mga vlogger na pulis.

Giit ng opisyal na bilang sila ay nasa serbisyo bilang Pulis, kailangan silang tumalima sa mga regulasyon ng kanilang kinabibilangan na organisasyon.

Aniya, maging aral aniya ito sa lahat ng mga pulis vlogger na suriing mabuti ang kanilang mga ilalabas na content sa social media.

Sa ngayon aniya ay mahigpit na ang kanilang ginagawang pagbabantay sa lahat ng mga police vloggers na nasa kanilang listahan.