-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan si dating patrolman Francis Fontillas dahil sa kasong inciting to sedition.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na may kaugnayan ito sa mga mabibigat na pahayag nito laban sa gobyerno noong maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing warrant of arrest ay inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 224 kung saan mayroong nakatakdang piyansa ito na P36,000.
Maguguntiang inihayag ni Fontillas ang saloobin niya laban sa gobyerno sa pamamagitan ng kaniyang social media account.
Matapos aniya na ipatawag ito sa kanilang opisina sa Quezon City Police District ay nagbitiw na ito sa pagiging isang pulis.