BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng Regional Drug Enforcement Unit o RDEU-13 ang tinatayang ₱1.7-M na halaga ng bulto-bultong suspected shabu na nakumpiska sa inilunsad na drug-buy bust operation pasado alas-11:16 ng gabi nitong Huwebes, Mayo a-1, sa Purok 7, Brgy. Villa Kananga nitong lungsod ng Butuan na may timbang ng 250-gramo.
Nakuha ito mula sa posisyon nina alyas Jebby, 32-anyos, may asawa, glass installer, residente ng Brgy. 1, Cabadbaran City at alyas Jason, 38-anyos, residente ng Brgy. Doña Rosario, sa bayan ng Tubay, parehong sakop sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Inilunsad ang joint operation kasama ang mga kawani nga Police Regional Office o PRO-13, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga, Butuan City Police Office – Drug Enforcement Unit at Butuan City Police Station o BCPS1.