Sisimulan ni Alex Eala ang kanyang kampanya sa Dubai Tennis Championship laban sa isang pamilyar na katunggali matapos siyang mapasama sa main draw ng prestihiyosong WTA 1000 event.
Makakaharap ng Filipino tennis ace si American bet Hailey Baptiste sa round of 64 ngayong Linggo, sa hangaring makausad na susunod na yugto ng torneo. Huling nagtagpo ang dalawang noong Hulyo ng nakaraang taon sa qualifiers ng Eastbourne International, kung saan nanaig si Eala sa dikitang laban, 6-7,7-6,-6-1.
Inaasahan hindi magiging madali ang laban ni Eala kontra kay Baptiste, sa kasalukuyan nasa World No. 40 si Eala at nasa World No. 39 si Baptiste sa WTA rankings kung kaya’t inaasahan na magiging isa nanamang mahigpit na bakbakan ang kanilang pagtutuos sa Dubai.
Ang torneo sa Dubai ang huling assignment ni Eala sa Middle East bago siya bumiyahe patungong United States sa Marso para sa Indian Wells Open. Bago ito, lumahok din siya sa Abu Dhabi Open at Qatar Open bilang bahagi ng kanyang international campaign.













