-- Advertisements --

Mas pinagtibay pa ng ilang mga bansa sa Europa ang suporta nila sa Ukraine.

Nagtungo kasi sa United Kingdom si Ukraine President Volodymyr Zelensky at nakapulong sina Prime Minister Keir Starmer, French President Emmanuel Macron, at German Chancellor Friedrich Merz.

Tinalakay nila ang pinakahuling peace plan ng Ukraine na iprinisinta sa pulong ni Zelensky sa US.

Ikinabahala ng mga lider ang nilalaman ng ceasefire kung saan walang katiyakan ang seguridad ng Ukraine.

Bago ang pakikipagpulong ni Zelensky ay inakusahan siya ni US President Donald Trump na hindi binabasa ang nilalaman ng proposal.

Iginiit naman ni Starmer na buo ang suporta nila sa Ukraine.

Sa mga susunod na araw ay magtutungo si Zelensky sa Roma para makaharap si Italian PM Giorgia Meloni.

Inamin ni Zelensky na isang krusyal na usapin ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng US, Europe at Ukraine.