chopper helicopter crash gamboa

Nahakot at naialis na sa crash site ang wreckage, debris at parts ng bumagsak na PNP chopper sa San Pedro, Laguna.

Ito ang inbihayag ni “Special Investigation Task Group (SITG) Bell 429” Commander, Lieutenant General Guillermo Eleazar.

Sa panayam kay Eleazar sinabi nito na tapos na ang isinagawa nilang documentation hinggil sa insidente.

“Nahakot na namin at naialis itong mga wreckage, debris, parts ng helicopter na nag-crash at dinala na sa Hangar, ” wika ni Eleazar.

Kasalukuyang nasa hangar na ng SAF Air Unit sa General Aviation Area sa may domestic airport sa Pasay City ang wreckage at debris ng chopper.

Sinabi ni Eleazar makikipag-ugnayan din sila sa manufacturer ng chopper.

Siniguro naman ng PNP, kanilang babayaran ang mga naging danyos sa mga private properties na nasira dahil sa pagbagsak ng chopper.