-- Advertisements --

Tinanggal na ng World Bank sa kanilang website ang kontrobersiyal na ulat na mahina umano ang mga mag-aaral na Filipino sa mathematics at science.

Resulta rin ito ng mahinang klima ng pag-aaral sa bansa kung saan hirap ang mga mag-aaral na matutong mag-English dahil sa patuloy na nagaganap na pambu-bully.

Nakasaad din sa website nila na karamihan daw sa mga mag-aaral na Filipio ay mayroong mababang proficiency o learning standard.

Dahil sa nasabing ulat ay inalmahan ito ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at pinapatanggal ang nasabing findings sa website ng World Bank.

Sinulatan ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III si WB Group president David Malpass para ireklamo ang Washington-based lenders’ dahil umano sa kawalan ng professionalism.

Paliwanag pa ni Dominguez na hindi tumutugma sa reyalidad ang nasabing ulat at nagbibigay lamang ng maling impormasyon sa mga tao.