-- Advertisements --

Binatikos ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon ang ginawang paglalantad ni Senator Imee Marcos na gumagamit ng iligal na droga ang kapatid na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sinabi nito na ang masisira sa ginawang paglalanta ng senator ay hindi lamang ang kapatid nito at sa halip ay sa buong angkan ng Marcos.

Malinaw din aniya na ang makiknabang sa paglalahad ng Senador ay ang pamilya Duterte.

Isa rin aniyang pamumulitika rin ang ginawa ng senador dahil sa plano nitong pagtakbo sa bise presidente ni kapag tatakbong pangulo si Vice President Sara Duterte sa 2028 elections.

Magugunitang ibinunyag ng Senador sa ginawang pagtitipon ng Iglesia Ni Cristo na gumamit ng droga ang kapatid nito.