-- Advertisements --
Itinaboy ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang mga supporters ng pamilya Duterte na makisali sa kanilang rally sa Luneta.
Ayon kay Daniel Nobleza, ang tagapagsalita ng Reforma Filipina at Hakbang Maisug na hindi sila pinayagan ng organizer ng INC rally dahil sa nananawagan ang mga ito na magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa nito na ayaw umano ng INC na makulayan ng pulitika ang kanilang rally.
Malaking respeto aniya nito sa INC kaya minabuti na lumipat na ng lugar.
Dahil dito ay napilitan ang grupo na lumipat na lamang sa Liwasang Bonifacio.
















