Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang pagbibitiw ni Undersecretary Trygve Olaivar kasunod ng pagkakadawit niya sa umano’y anumalya infrastructure project ng pamahalaan.
Ayon kay DepEd media chief Dennis Legaspi, naipasa na sa Malacañang ang pormal na resignation letter ni Olaivar.
Nasasangkot si Olaivar sa kontrobersya matapos akusahan ng dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap umano ito ng mga “delivery” na may kaugnayan sa mga proyekto ni dating Senador Sonny Angara.
Ang pahayag ay batay sa sinumpaang salaysay ni Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25, na nagsasabing
nakatanggap ang dating opisyal ng 12% kickbacks habang pinamumunuan ni Angara ang Senate Finance Committee mula 2019 hanggang 2024.
Una nang itinanggi ni Angara ang anumang pagkakasangkot sa naturang anomalya.
Nabatid na nagbitiw si Olaivar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa ilang mataas na opisyal ng pamahalaan gayundin ang mga maanumalyang proyekto sa imprastruktura ng pamahalaan.















