-- Advertisements --

Itinanggi ni dating Senator at ngayoy Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na sangkot sa anomalya sa mga infrastructure projects ng gobyerno.

Sinabi nito na kaniyang pinapabulaanan na sangkot ito sa mga maanomalyang proyekto sa gobyerno.

Sa loob ng 21 taon niya sa gobyerno ay hindi ito nasangkot sa anumang kurapsyon.

Idinawit si Angara ni dating Public Works undersecretary Roberto Bernardo noong ipatawag ito sa Senate blue ribbon committee.

Kasama ni Angara na tumanggap umano ng kickbacks ay sina Senator Jinggoy Estrada at dating Sen. Grace Poe na pinabulaanan din ang alegasyon.

Una ng sinabi ni Bernardo na nangyari ang paghingi ni Angara ng kickbacks noong siya ang chairman ng Senate finance committee na siyang nag-i-sponsor ng mga annual budget ng gobyerno.