-- Advertisements --
Itinanggi ng Malacañang ang alegasyon na sila ang nasa likod ng usapin ng pagpapalit kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro na hindi nakikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa anumang trabaho ng legislative branch.
Dagdag pa ni Castro na kung anuman ang desisyon at gagawing pagpapatakbo ay hindi na ito sakop ng pangulo.
Lumabas ang balitang ng pagpapalit kay Dy noong nakaraang mga araw dahil sa umanoy naghahanap ang mga kaalyado ng pangulo ng mas matibay na lider sa Kamara dahil sa usaping ng impeachment laban sa pangulo.
















