-- Advertisements --

Minaliit lamang ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang panawagan na ito ay dapat magbitiw na sa puwesto.

May kaugnay ito sa pagkakadawit niya na kumuha ng kickbacks sa mga fund insertion noong pinamumunuan niya ang Senate committee on finance.

Tinawag pa nito na gawa-gawa lamang at walang basehan ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Giit nito na walang mga balidong rason para siya ay magbitiw sa puwesto dahil sa mga walang basehan na akusasyon.

Magugunitang ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nagbitiw sa puwesto matapos na madawit ang kanilang mga pangalan sa anomalya flood control project.