Nananatiling maayos at mapayapa ang isinagawang “Peaceful Rally for Transparency” ng Iglesia ni Cristo (INC) sa dalawang pangunahing lugar sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila at EDSA Shrine sa Quezon City.
Batay sa ulat hanggang 3:00 ng hapon noong Nobyembre 17, umabot sa 318 katao ang nabigyan ng atensyong medikal:
Vital Signs: 296
Minor Cases: 17
Major Cases: 3
Naipasok sa ospital: 2
Kabilang sa mga minor cases ang pananakit ng tiyan, dibdib, balikat, at paa, pagkahilo, sakit ng ulo, allergy sa pagkain, hirap sa paghinga, sugat at hiwa. Tatlong major cases ang naitala kabilang ang matinding pagkahilo na inendorso sa QC MDRRMO medical post. Dalawa naman ang naipasok sa ospital, kabilang ang isang pasyente na dinala sa Ospital ng Maynila dahil sa inguinal pain.
Mga Kagamitang Na-deploy
Ambulansya: 9
First Aid Stations: 6
Welfare Desks: 2
Manpower (volunteers at staff): 47
I. Rally ng Iglesia Ni Cristo (INC)
Lugar: Quirino Grandstand, Luneta, Maynila
Organizer: Iglesia Ni Cristo
Mula Nobyembre 16–17, umabot sa 197 indibidwal ang nabigyan ng serbisyong medikal:
Vital Signs: 184
Minor Cases: 11
Major Cases: 0
Naipasok sa ospital: 2
Na-deploy ang apat na first aid stations, apat na ambulansya mula sa NHQ, Manila at Pasay, at 14 na tauhan.
II. United People’s Rally for Transparency
Lugar: EDSA Shrine, Quezon City
Event Name: Peaceful Rally for Transparency, Accountability and Justice
Organizer: United People’s Initiative
Sa parehong petsa, 121 indibidwal ang naasikaso:
Vital Signs: 112
Minor Cases: 6
Major Cases: 3
Naipasok sa ospital: 0
Na-deploy ang isang first aid station, apat na ambulansya mula sa National HQ, Quezon City at Rizal-San Juan branch, at 21 na volunteers at staff.
















