-- Advertisements --

Inihayag ni Acting Philippine National Police (PNP) PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Sandiganbayan at naging sa iba pang ahensya para sa implementasyon ng warrant of arrest laban kay dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co at 17 iba pa.

Ani Nartatez, titiyakin ng Pambansang Pulisya na masusunod ang paghahain ng warrant alinsunod sa tamang proseso at due process sa ilalim ng mga umiiral na batas kung saan titiyakin din na ang mga karapatan ng bawat sangkot na indibidwal ay mananatiling narerespeto.

Nanawagan naman ang Pambansang Pulisya sa publiko na patuloy lamang na magtiwala sa mga aksyon ng pamahalaan at maging ng mismong institusyon na siyang patuloy na ginagampanan ang kanilang mga mandato ng may integridad, pagrespeto sa rule of law at pagkakaroon ng commitment para makamit ang hustisya na inaasam ng taong bayan.

Samantala, inihayag naman ni Nartatez na ang development na ito ay nagpapakita lamang ng patuloy na mga hakbangin ng pamahalaan para mapanagot at masawata ang mga personalidad na nasa likod ng mga katiwalian hinggil sa mga maanomaliyang flood control projects.