Dumalo si Batangas Rep. Leandro Leviste sa muling sesyon ng Senate Blue Ribbon investigation noong Lunes kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects, ilang linggo matapos niyang ilahad ang mga nakagugulat na detalye tungkol sa umano’y “Cabral Files.”
Nagpasalamat si Sen. Ping Lacson, chairman ng Blue Ribbon Committee, sa pagdalo ni Leviste. Titingnan ng komite ang bisa at kredibilidad ng mga dokumentong iniwan ni dating Public Works Undersecretary Maria Catalina Cabral, na umano’y naglalaman ng pangalan ng mga opisyal, kabilang ang mga Cabinet members at mambabatas, na diumano’y nagtaguyod ng ilang proyekto sa National Expenditure Program.
Ayon kay Leviste, may kopya siya ng mga files, ngunit hindi na makakapag-verify si Cabral dahil pumanaw na siya noong Disyembre. Plano rin ni Leviste na hilingin sa Department of Public Works and Highways na suriin ang mga dokumento. (report by Bombo Jai)
















