Winwyn Marquez
Winwyn Marquez/ IG post

Ipinagmalaki ni Winwyn Marquez ang kaniyang pagtatapos ng Teachers Certificate Program.

Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng larawan habang nakasuot ng toga at hawak ang kaniyang certificate.

Nagtapos ito ng Basic Education Program sa Southville International School.

May caption pa ito ng ilang hakbang na lamang para makamit ang kaniyang pangarap.

Inihalad din nito ang kaniyang mga achievements gaya ng BSBA Major in Marketing Management na nakuha sa San Beda College sa Alabang noong 2012 at Reina Hispanoamericana na napanalunan niya sa Bolivia noong 2017.

Si Winwyn ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.