-- Advertisements --

Hiniling ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court sa tribunal na ibasura ang interim release na hirit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang 15 pahinang dokumento na humiling na dapat ay ibasura ang interim release ay pirmado ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.

Giit nila na ang pananatili ni Duterte sa kulungan ay natitiyak ang kaniyang pagdalo sa mga pagdinig kung saan hindi umano tinatanggap ng dating pangulo ang lehitimo ng legal na pagdinig sa kaniya.

Magugunitang sinabi ng defense counsel ng dating pangulo na si Nicholas Kaufman na humirit sila sa ICC ng interim release sa dating pangulo.