-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng actress na si Mikee Quintos ang pagtatapos niya ng kolehiyo.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan ng kaniyang pagtatapos ng kursong Bachelor of Science degree in Architecture sa University of Santo Tomas.
Sinabi nito na labis siyang nasisiyahan dahil sa umabot ng 10 taon ang pag-aaral at natapos niya ang kurso.
Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga fans at kapwa artista matapos na makita ang post ng actress.