-- Advertisements --
Itinanggi ng actor na si Gerald Anderson na hiwalay na sila ng nobyang si Julia Barretto.
Lumabas ang nasabing hiwalayan ng dalawa matapos na mapansin ng mga fans nila na hindi na sila nagkakasama sa mga social media posting nila.
Dagdag pa nito na nais lamang niya na maging pribado ang relasyon nilang dalawa ng actress.
Aminado din ito na mayroon silang pinagdadaanan minsan na mga pagsubok kung saan ito ay maituturing na normal lamang sa isang relasyon.