Wimbledon statement
Wimbledon statement

Tuluyan ng kinansela ang Wimbledon tennis championships ngayong taon dahil pa rin sa banta ng coronavirus pandemic.

Ito ang ang unang pagkakataon na kanselahan ang torneo mula pa noong World War II.

Sinabi ni All England Club (AELTC) chairman Ian Hewitt, na isinagawa ang desisyon matapos ang ginawang emergency meeting ng mga organizers.

Idinagdag pa nito na naging mahirap sa kanila ang pagkansela ng torneo na magsisimula sa Hunyo 29.

Ayaw nilang ilagay sa alanganin ng mga manlalaro at mga staff kaya minabuti na lamang nilang itong kanselahin.