-- Advertisements --
Nagsagawa ng surprise inspection si National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago sa detention facility ng NBI na matatagpuan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Isa-isang tinignan ni Santiago ang mga seldadd kabilang ang kinaroroonan ni Sheila Guo ang kapatid ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.
Layon ng inspeksyon ay para tiyakin na pantay ang trato sa mga inmates.
Wala namang nakitang anumang problema ang NBI Director at lahat aniya ay maayos.
Ang NBI Jail ay may kapasidad na 150 subalit sa kasalukuyan ay mayroong 200 detainees kung saan 80 percent sa mga dito ay mga dayuhan.