SERENA WILLIAMS
Serena Williams/ Rogers Cup FB image

Pasok na sa semifinals ng US Open si Serena Williams.

Ito ay matapos na tapusin lamang sa loob ng 44 minutes ang laro nila ni Qiang Wang sa score na 6-1, 6-0.

Ayon sa US tennis star labis ang kaniyang kasiyahan matapos na makapasok sa semifinals.

Ito aniya ang kaniyang pinaghirapan sa ilang linggong pag-eensayo.

Susunod na makakaharap nito si Elina Svitolina ng Ukraine.