Tinaguriang malaking upsets ang pagkatalo ni world number 1 Aryna Sabalenka kay American Amanda Anisimova.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapasok sa finals ng Wimbledon ng American tennis player.
Nakuha ni Anisimova ang score na 6-4, 4-6, 6-4 para mabuhay pa ang tsansa nito na maging ikatlong American sa women’s Grand Slam Champion ngayong taon.
Nagkampeon kasi sa Australian Open si Madison Keys habang sa French Open naman ay nagwagi rin si American tennis star Coco Gauff.
Hindi makapaniwala si Anisimova na matatalo ang world number 1 tennis star.
Taong 2023 ng magpasya ang 23-anyos na si Anisimova na magkaroon ng mental health break.
Naging malaking hamon sa mga manlalaro ang matinding init ng panahon kung saan umabot pa sa 30 degrees celcius.
Dalawang beses din na nagbigay ng tubig ang Polish tennis star na si Sabalenka sa nagkakasakit na fans nito.