-- Advertisements --

Maghaharap sa finals ng womens’ singles Wimbledon sina American Amanda Anisimova ay Iga Świątek ng Poland sa araw ng Sabado.

Ito ay matapos na kapwa nila tinalo ang kanilang katunggali sa semifinals.

Tinalo ni Anisimova si Aryna Sabalenka sa score na 6-4, 4-6, 6-3.

Itinuturing na ang panalo ng 23-anyos na tennis player ay isang malaking upset laban sa world number 1 na si Sabalenka.

Habang wala namang naging kapagog-pagod ang panalo ni Swiatek ng talunin si Belinda Bencic sa score na 6-2, 6-0.