Serena Williams
Serena Williams/ IG post

Hindi na hinayaan ni Serena Williams na mabitawan pa ang pagkakataon na makapasok sa pang-walo nitong finals ng Wimbledon.

Ito ay matapos na tuluyang talunin si Barbora Strycova ng Czech Republic sa score na 6-1, 6-2.

Target ng 37-anyos na si Williams na makuha ang 24th grand slam title ngayon taon.

Noong nakaraang taon ay nabigo si Williams sa kamay ni Angelique Kerber.

Makakaharap nito sa Sabado sa finals ang world No. 7 na si Simona Halep ng Romania.