-- Advertisements --
Agad na mapapasabak sa matinding laro si Pinay tennis star Alex Eala sa first round ng Wimbledon.
Makakaharap kasi nito si defending champion Barbora Krejcikova ng Czech Republic.
Ang 29-anyos na si Krejcikova ay kasalukuyang pang 17 sa world rankings at nagwagi rin ito sa French Open noong 2021.
Taong 2022 ng maabot ng Czech player ang ranking na pagiging number 2.
Sa Eastbourne Open ay umabot sa quarterfinals si Krejcikova subalit ito ay umatras dahil sa thigh injury.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa araw ng Lunes.