-- Advertisements --
Sasailalim sa upgrading ang Rizal Memorial Tennis Center bilang paghahanda sa hosting ng bansa ng WTA events sa susunod na taon.
Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC) na mahalaga ang pagsasaayos para sa dalawang Womens Tennis Association (WTA) event sa susunod na taon.
Unang gaganapin ang WTA 125 Philippine Women’s Open sa Enero 2027 habang ang WTA 250 event naman ay nakatakdang isagawa mula Nobyembre 1-7 sa bansa.
Kinumpirma ni PSC Chairman Patrick Gregorio na kailangang maging mas maganda ang playing court para sa mga maglalaro.
Ibinunyag din nito na may ilang mga lungsod ang nagkainteres na maghost ng nasabing WTA Event.
Dahil dito ay bibisitahin nila ang mga lugar para makita kung marapat na doon gawin ang nasbing torneo.
















