Wilder vs Ortiz
Wilder (L) and Ortiz (R)

Nakatakdang idepensa ni undefeated American boxer Deontay Wilder ang kaniyang World Boxing Council heavyweight belt laban kay Luis Ortiz ng Cuba.

Isasagawa ito sa Nobyembre 23 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Dahil dito ay may tiyansa si Ortiz na makabawi sa pagkatalo kay Wilder noong March 2018 kung saan napatumba ito sa loob lamang ng 10th round.

May record na 41-0 at nasa 40 via knockouts si Wilder, habang mayroong 31-1 win-loss record at 26 knockouts ang 40-anyos na southpaw boxer na si Ortiz.