-- Advertisements --

Pinalitan na ng World Health Organization (WHO ) ang tawag ngayon sa Monkeypox virus.

Ayon sa WHO na tatawagin na ito ngayon bilang mpox.

Paliwanag ng WHO na ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng stigmatization mula sa dating tawag dito.

Nagmula kasi ang tawag na Monkeypox dahil sa virus na unang nakita sa mga unggoy mula sa research sa Denmark noong 1958.

Subalit lumabas na ang nasabing sakit ay makikita rin sa ilang mga hayop gaya ng mga kalahi ng isang uri ng daga.

Mula ngayon aniya ay tatawagin na itong mpox at hinikayat nila ang lahat na ito na rin ang gamitin para hindi magdulot ng negatibo sa mga hayop.

Magugunitang unang nadiskubre ang sakit sa mga tao noong 1970 sa Democratic Republic of Congo na kumalat sa mga tao mula sa West at Central African countries kung saan ito ay endemic.

Base sa pinakhuling pagtaya ng WHO na mayroon ng 81,107 na kaso ang naitala kung saan 55 na ang nasawi ang naiulat ngayong taon mula sa 110 bansa.