Nakapagtala ang World Health Organization (WHO) ng umabot na sa 565,404 kaso ng cholera at 7,074 pagkamatay hanggang Oktubre 26, 2025 sa 32 bansa sa limang rehiyon ng WHO.
Pinakamataas ang bilang sa Eastern Mediterranean Region, na sinundan ng African Region, South-East Asia Region, Region of the Americas, at Western Pacific Region.
Wala namang naiulat na kaso mula sa European Region sa parehong panahon.
Sa buwan ng Oktubre 2025, nakapagtala ng 35,026 bagong kaso ng cholera at acute watery diarrhoea (AWD) mula sa 20 bansa sa apat na rehiyon ng WHO. Ito ay 34% na mas mababa kumpara noong Setyembre.
Sa parehong buwan, naiulat ang 335 pagkamatay na may kaugnayan sa cholera sa buong mundo, na bumaba ng 55% mula sa nakaraang buwan.
Samantala, tiniyak ng WHO na nananatiling sapat ang suplay ng Oral Cholera Vaccine (OCV). Noong Oktubre, nasa 7.9 milyong doses ang average stockpile, mas mataas sa itinakdang emergency threshold na 5 milyong doses.














