Patuloy na pinag-aaralan ang naitala ng World Health Organization (WHO) na ika-71 kumpirmadong kaso ng influenza A(H5) sa tao mula pa noong 2024, at ito ang unang kaso sa Estados Unidos mula Pebrero 2025.
Kinumpirma ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Nobyembre na ang virus ay influenza A(H5N5), ang 1st reported case sa buong mundo na dulot ng naturang strain.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kalusugan sa Estados Unidos upang matukoy ang pinagmulan at lawak ng impeksiyon.
Sa isinagawang contact tracing, walang natukoy na karagdagang kaso at wala ring ebidensya ng human-to-human transmission.
Patuloy namang nananawagan ang WHO para sa masusing global surveillance dahil sa mabilis na pag-evolve ng influenza viruses na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao.
Sa kasalukuyang datos, mababa ang public health risk, ngunit itinuturing na low to moderate ang panganib para sa mga taong may mataas na exposure sa naturang virus.
















