-- Advertisements --
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa mga bansang nais ng luwagan o tanggalin ang ipinatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na dapat alalahanin ng mga bansa na hindi pa tuluyang humuhupa ang nasabing virus.
Kahit na may mga bakuna na nakahanda ay hindi pa rin dapat magpakumpiyansa dahil wala pa rin itong katiyakan na ito na ang solusyon sa nasabing pandemic.
Mahalaga pa rin aniya na isaalang-alang ang kapakanan ng bawat pasyente o indibidwal na nadadapuan ng nasabing virus.
VC.