-- Advertisements --

Muling nag-isyu ng panibagong freeze order ang Court of Appeals laban sa mga asset ng contruction firm na natukoy na may pinakamaraming ghost project o hindi nagi-exist na mga flood control porojects.

Sa isang statement, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang panibagong freeze order na inisyu ng korte nitong Huwebes, Nobiyembre 4.

Saklaw sa naturang freeze order ang mga asset ng pribadong contruction company kasama ang mga entity at mga indibidwal na konektado sa naturang construction firm.

Hindi na pinangalanan ang naturang kompaniya, subalit nauna ng umani ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ghost flood control projects sa Bulacan ay ang Wawao Builders at ang SYMS Construction.

Sakop din ng panibagong freeze order ang 280 bank accounts, 22 insurance policies, 3 securities accounts at 8 air assets.

Ayon sa AMLC, nakakita ng sapat na batayan ang CA para ikonekta ang frozen assets sa posibleng paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act gayundin ng Malversation of Public Funds and Property.

Inihayag ni AMLC Executive Director Matthew David na nagpapapakita ang naturang hakbang ng commitment ng konseho para mabawi ang bawat peso sa kaban ng bayan na maaaring nagamit sa hindi tamang paraan.

Sa ngayon, ayon sa AMLC umaabot na sa P13 billion ang kabuuang halaga ng frozen assets sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa anomaliya sa flood control projects ng gobyerno.