-- Advertisements --

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) matapos na matuklasan ang mga expired, at malapit ng mag-expired na mga gamot na nagkakahalaga ng P34.8 milyon na maaring masayang na.

Kasama rin dito ang ilang inventories na nagkakahalaga ng P99.4-M na natuklasan ng mga auditors ng COA.

Sa annual report ng COA sa DOH noong 2024 na sa resulta ng kanilang mga inventory reports at resulta ng inventory counts sa mga Centers for Health Development and Operating Units ay lumabas na ang mga gamot at ilang medical supplies na nagkakahalaga ng P34.8-M ay hindi nagamit bago pa man ito masira.

Ang nasabing mga gamot na natuklasang nasasayang ay mga pagamutan mula sa mga lugar ng Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).