Idineklara ng Congo ang katapusan ng Ebola outbreak sa Kasai province matapos mamatay ang 43 katao at wala nang bagong kumpirmadong kaso sa nakalipas na 45 araw.
Ayon kay Health Minister Roger Kamba, kabilang sa 53 kumpirmadong kaso ang 43 nasawi. Mahigit 27,000 katao ang nabakunahan, kabilang ang 4,000 front-line workers, na nakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng sakit.
Ito ang ika-16 na Ebola outbreak sa Congo mula 1976 at ika-7 sa Kasai province. Ang outbreak sa Bulape ay kumalat sa apat na kalapit na bayan. Nahirapan ang World Health Organization sa pagbibigay ng bakuna dahil sa limitadong access at pondo.
Ang nakaraang outbreak mula 2018 hanggang 2020 sa silangang Congo ay kumitil ng mahigit 1,000 buhay. Idinagdag ng bagong outbreak ang pangamba sa bansa na kasalukuyang humaharap sa M23 rebel group sa silangang rehiyon. (report by Bombo Jai)















