-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang claim ng grupong Manibela na naparalisa ng unang araw ng kanilang transport strike o tigil-pasada ang pampublikong transportasyon.

Giit ng MMDA na minimal lamang ang naging epekto ng transport strike ng grupo kahapon at kakaunti lang ang stranded na pasahero.

Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez, normal pa rin ang daloy ng pampublikong transportasyon dahil marami pang dyip, bus, at iba pang sasakyan na bumiyahe.

Naghanda rin ang MMDA ng mga sasakyan para sa libreng sakay ngunit hindi ito itinuloy upang hindi makipagkumpitensya sa mga namamasadang dyip.

Ngayong Miyerkules, Disyembre 10, magpapatuloy ang ikalawa mula sa 3-day transport strike ng Manibela bilang protesta sa umano’y hindi makatarungang multa, mabagal na proseso sa pag-renew ng prankisa at laganap na payola sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Land Transportation Office (LTO).

Samantala, taliwas sa pahayag ng MMDA, iginiit ng Manibela na marami ang stranded at paralisado umano ang ilang bahagi ng Metro Manila.